^

Bansa

Alok na tulong hindi tinanggap… Jinggoy nagalit kay JV

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggihan umano ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate  JV Ejercito ang  alok na tulong sa kanya ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na kapatid niya  sa ama.

Nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang source na  labis na ikinasama ng loob ni Senator Estrada ang pagbalewala ni JV sa kanyang pagsusumikap na matulungan  ito  sa kanyang kandidatura.

Ayon sa source, sinabihan ni dating Pangulong Joseph Estrada  si Jinggoy na tulungan si  JV at ang naisip nitong paraan  ay  ang  paggawa ng political ad kung saan e-eendorso nito  ang kanyang half brother.

Ikinatuwa naman umano ng dating pangulo ang idea na ito  dahil maganda daw na makita ng publiko na magkasama ang magkapatid.

Sinabi pa ng source na itinakda na umano ang  shooting para sa nabanggit na political ad at nakahanda na daw ang lahat para sa taping  pero hindi umano ito sinipot ni JV.

Samantala, humihingi naman ng paumanhin si JV dahil mali umano ang nakarating na istorya sa kanyang kuya Jinggoy.

“Humihingi ako ng paumanhin kay Kuya Jinggoy kung ang nakaabot sa kanya ay ayoko ng endorsement nya. Hindi po totoo ito. Napaabot po sa akin ang mungkahi na nagnanais siya na maglabas ng sariling advertisement para i-endorso ang aking kandidatura, sino po ba namang kandidato ang tatanggi sa ganun, lalo na at libre?” sabi ni JV.

AYON

EJERCITO

HUMIHINGI

JINGGOY

KUYA JINGGOY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY ESTRADA

SENATOR ESTRADA

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with