^

Bansa

Gov. Garcia naghain ng ‘not guilty plea’ sa kasong graft

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasok ng not guilty plea  si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap na kasong graft at malversation.

Ang naturang kaso ay nag-ugat  kaugnay ng umanoy  kuwestiyonableng pagbili ni Garcia ng Balili property noong 2008.

Sa record ng graft court,  noong 2008  ay binili ng Cebu provincial government ng  halagang P98.9 milyon ang Balili Estate sa Tinaan, Naga Cebu pero  natuklasan ng tanggapan ng  Ombudsman na nakalubog sa dagat ang malaking bahagi ng naturang property  at hindi  maaaring gamitin para sa infrastructure projects.

Nitong huwebes, nagpalabas ng arrest warrant si Associate Justice Teresita Diaz-Baldos laban kay Garcia matapos itong mabigong dumalo sa arraignment na itinakda ng graft court laban dito kaugnay ng kaso at pinakukumpiska din ang P90,000 bail bond nito.

Una nang nagpahayag ng not guilty plea ang private respondents  na sina Romeo Balili at Amparo Balili, may ari ng kinukuwestyong lupain na naibenta sa  local na pamahalaan.

 

vuukle comment

AMPARO BALILI

ASSOCIATE JUSTICE TERESITA DIAZ-BALDOS

BALILI

BALILI ESTATE

CEBU GOV

GARCIA

GWENDOLYN GARCIA

NAGA CEBU

ROMEO BALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with