^

Bansa

Malakas na ulan sa MM dulot ng easterlies – PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang bagyo sa bansa kundi dulot ng easterlies ang malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng ala-1:00 ng hapon sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni Elvie Enriquez, weather forecaster ng PAGASA, umabot din ng mahigit sa isang oras ang malakas na ulan at wala silang nababanaagan na bagyo sa ngayon.

Ang dati umanong namataang Low Pressure Area (LPA) sa silangang Visayas ay nalusaw na.

Bunga anya ng kaulapan sa silangang bahagi ng bansa partikular sa Davao at  Visayas  na nadala sa Metro Manila ng malakas na hangin, na siyang dahilan ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon kay Enriquez, wala naman dapat ipag-alala ang publiko sa paminsan minsang pag-uulan na nararasan sa bansa laluna sa Metro Manila sa loob ng summer season, bunsod ng thunderstorm. Maaliwalas naman anya ang panahon ngayong weekend sa bansa.

 

AYON

BUNGA

DAVAO

ELVIE ENRIQUEZ

ENRIQUEZ

LOW PRESSURE AREA

MAALIWALAS

METRO MANILA

VISAYAS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with