^

Bansa

Price control kailangan sa Mindanao - Enrile

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinuri ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet at Cagayan Rep. Jack Enrile ang hakbang na ginawa ng Department of Trade and Industry (DTI) na ilagay ang ilang bahagi ng Mindanao sa price control dahil sa patuloy na kaguluhan sa Sabah.

Sinabi ni Enrile na ang hakbang ng DTI na ilagay ang mga pangunahing pres­yo ng bilihin sa mahigpit na pagbabantay ay para mamonitor ang anumang paglabag dito ng mga tra­ders at retailers at kaagad na mabibigyang aksyon.

Si Enrile ay punong tagapagtaguyod ng “food sovereignty para sa mga Pilipino, ang principal author ng House Bill 4626 na magsisilbing “balangkas” para sa mga lider ng pamahalaan upang itaas ang antas ng produksyon ng pagkain partikular na sa kanayunan sa pama­magitan ng isang “makatotohanang” programa sa agrikultura.

Titiyakin din aniya ng HB 4626 na agarang may sapat na suplay ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad o nasa ilalim ng krisis tulad sa Minadanao dahil sa patuloy na kaguluhan sa Sabah.

 

CAGAYAN REP

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

ENRILE

HOUSE BILL

JACK ENRILE

MINADANAO

SABAH

SI ENRILE

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with