^

Bansa

PMA grad dinaluhan ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY, Philippines - Anak ng isang magtutuba mula sa Hagonoy, Davao del Sur ang na­nguna sa Philippine Military Academy (PMA) Class 2013.

Iniabot ni Pangulong Aquino ang Presidential Saber sa class valedictorian na si Jestony Lanaja sa graduation rites ng 124 na kadete ng Class Pudang Kalis (Sacred Sword) kahapon sa lungsod na ito. Apat na female cadettes naman ang pumasok sa top 10.

Si Vice-President Jejomar Binay naman ang nag-abot ng vice-presidential saber sa salutatorian na si Mary Ann Balais na mula sa La Trinidad, Benguet.

Ang iba pang pumasok sa top 10 ay sina Poland Ancheta Banacua, (3rd); Jessie Saludo ng Cavite, (4th); Jocelyn Advincula, (5th); John Luis Tulag ng Agusan del Sur, 6th place; Ferdinand Villanueva ng Villasis, Pangasinan, (7th); Vanessa Factora, (8th); Jet Cabantura Domoclog ng Gattaran, Cagayan, 9th place at 10th place si Myla Maniscan.

Naghandog din ng meryenda si PNoy sa mga PMA graduates kasama ang kanilang pamilya sa Mansion House.

vuukle comment

CLASS PUDANG KALIS

FERDINAND VILLANUEVA

JESSIE SALUDO

JESTONY LANAJA

JET CABANTURA DOMOCLOG

JOCELYN ADVINCULA

JOHN LUIS TULAG

LA TRINIDAD

MANSION HOUSE

MARY ANN BALAIS

MYLA MANISCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with