^

Bansa

Palakasan sa karagatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pinagsanib na puwersa ng Manila Broadcasting Company, Star City at Lungsod ng Maynila, muling magpapakitang-gilas ang pinakamagaling na mga bangkero at mananagwan sa pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Festival ngayong ika-16 at 17 ng Marso.

Tampok ang iba’t ibang koponan sa Dragon Boat Race at mga bangkang de-motor upang lumahok sa mga itinalagang karera sa dagat. Inaasahang kakaibang uri ng tuwa at sigla ang aanihin ng manonood sa bawat hatak ng sagwan at mahigpitang pag-ungos ng mga bangka. Idagdag pa rito ang magandang tanawing dulot ng Manila Bay — bagay na naging dahilan upang lumawak ang interes ng mga ordinaryong mamamayan na madalas magpalipas-oras sa Baywalk.

Alas-otso ng umaga ang simula ng mga karera sa tubig. Magtatanghal naman sa libreng concert para sa awarding ceremonies ang dating FHM Girlfriend of the Month na si Alexis Navarro, ang Go Girls at ang bandang 6-Part Invention. Ang Manila Bay Seasports Festival ay suportado rin ng Caltex, Ginebra San Miguel, Eveready, the Social Security System, MyJuiz, Cobra Energy Drink, M. Lhuillier, Silka Papaya Soap, Manila Ocean Park at Cord Marine Epoxy.

ALEXIS NAVARRO

ANG MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

CORD MARINE EPOXY

DRAGON BOAT RACE

GINEBRA SAN MIGUEL

GIRLFRIEND OF THE MONTH

GO GIRLS

MANILA BAY

MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

MANILA BROADCASTING COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with