^

Bansa

Absentee voting sa media ok na kay PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

DAGUPAN CITY, Philippines - Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10380 o Local Absentee Voting for Media kung saan ay puwede nang makaboto ang mga mediamen kasabay ng Overseas Absentee voters na mas una sa regular elections.

Tuwing eleksyon ay hindi kasi nakakaboto ang mga mediamen na nagco-cover ng eleksyon kaya ipinasa ng Kongreso ang Local Absentee Vo­ting for Media.

Nabatid na February 14 pa naisumite sa tanggapan ni Pangulong Aquino ang niratipikahang bersyon ng Kamara.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang mga taga media ay papayagan nang makaboto kahit labas sa lugar kung saan sila rehistradong botante kung sila ay naka-duty sa mismong araw ng eleksyon.

Subalit limitado lang sa national positions ang kanilang maaring iboto kasama na ang partylists.

Pinapurihan naman ni Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) acting president Marlon Purificacion ang paglagda ng Pangulo sa RA 10380 o Media Absentee Voting Law.

“Many of us, media members, are in danger of being alienated on Election Day because of the nature of our job, covering another moment in history,” sabi ni Purificacion.

 

ELECTION DAY

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

LOCAL ABSENTEE VO

LOCAL ABSENTEE VOTING

MARLON PURIFICACION

MEDIA ABSENTEE VOTING LAW

OVERSEAS ABSENTEE

PANGULONG AQUINO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with