^

Bansa

Kumpletong solusyon sa problema ng bansa, giit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi paisa-isa kundi isahang solusyon sa lahat ng problema ng bansa ang dapat na maging tugon ng gobyerno upang matiyak din ang pag-asenso ng bawat isang Pinoy.

“Their problems are centered on three things PTK: Mataas na Presyo, Kawalan ng Trabaho, at Kakulangan sa Kita. These are what we need to solve to make sure that all Filipinos are able to feel the country’s economic growth,” pahayag ni reelectionist senator Alan Peter Cayetano sa Grand Launch ng kanyang programang PTK: Presyo, Trabaho, Kita.

Sinabi ni Cayetano na bago niya inilunsad ang kanyang plataporma ay nagsagawa ito ng pag-iikot o listening tour sa ibat ibang sektor ng society kung kaya naman personal nitong nalaman ang mga hinanaing ng mga market vendors, flower vendors, tricycle and jeepney dri­vers, fisherfolk, constructions workers, coconut farmers, strawberry farmers, furniture workers, rice farmers, senior citizens, typhoon victims, informal settlers at mga cooperatives kaya ito naman ang siya niyang tutugunan bilang kinatawan ng mamamayan.

Kabilang rito ang pagbaba ng presyo ng gasolina, solusyon sa unemployment at  underemployment, edukasyon, pagtanggal sa 5-6 lending na nagpapahirap lalo sa mga manggagawa, pagkakaroon ng mas maraming trabaho at mataas na kita gayundin ang pagpapalakas sa Pinoy made products.

Iginiit pa ni Cayetano na panahon na para sa isang service-focused campaign na hindi tungkol lang sa mga pulitiko kundi sa tunay na kalagayan ng mga Pinoy.

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

GRAND LAUNCH

IGINIIT

KABILANG

KITA

PINOY

PRESYO

TRABAHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with