^

Bansa

Solon kay PNoy: Sabah muna bago kampanya!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat itigil muna ni Pangulong Noynoy Aquino ang panga­ngampanya sa kanyang mga mga manok para sa darating na eleksyon at pagtuunan ng pansin ang kaguluhan sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, sa halip na pa­ngangampanya ay pakikiramay muna ang dapat ipaabot ng Pangulo sa mga pamilya ng mga Filipino na nasawi sa nasabing bansa.

Kung hindi naman umano mapipigilan sa pangangampanya ang Pangulo ay dapat ipaliwanag nito sa mga tao kung ano ang tunay na nangyayari at ang kanyang hakbang upang maprotektahan ang mga Pinoy sa Sabah.

Giit naman ni House Assistant Minority leader Martin Romouldez, bukod sa pangangampanya dapat din itigil ng administrasyon ang imbestigasyon kung mayroong sabwatan kay Sultan Jamalul Kiram III at kay dating pangulong Gloria Arroyo at Boy Saycon.

Paliwanag ng mga mambabatas, kung talagang sa tingin nila ay may sabwatan si GMA sa grupo ni Kiram ay dapat puntahan nila ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) o kaya ay mag-isyu sila ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Saycon.

Duda ng mga mambabatas diversionary tactic lamang ito ng Malacañang upang malihis ang isyu sa tunay na nangyayari sa Sabah.

Sa halip umano ma­mulitika ay dapat munang siguruhin ng administrasyon na ligtas ang mga Filipino sa Sabah o dumulog ang mga ito sa United Nations (UN) at Commission on Human Rights (CHR) sa kabi-kabilang ulat na paglabag sa karapatang pantao ng mga Pinoy na nasabing lugar.

Suhestiyon nina Sua­rez at Romualdez, maaari namang mag-imbestiga ang Malacañang kung talagang may conspiracy sa Sabah kapag  natapos na ang gulo dito at kung may hawak na silang facts sa nasabing insidente.

vuukle comment

BOY SAYCON

GLORIA ARROYO

HOLD DEPARTURE ORDER

HOUSE ASSISTANT MINORITY

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

HUMAN RIGHTS

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with