^

Bansa

First level ng USS Guardian naiangat na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naiangat na ng salvage team ang first level-B o 01 level-B ng sumadsad na US minesweeper sa Tubbataha Reef.

Kinumpirma ni Commodore Enrico Evangelista, commander ng Philippine Coast Guard-Palawan District at namumuno ng Task Force Tubbataha, na ang naingat na bahagi ay ang 01-B level kung saan naroon ang cabin ng mga opisyal ng barko na bahagi ng superstructure ng USS Guardian, dakong ala 1:20 ng hapon kahapon.

Ang natanggal na bahagi ng USS Guardian ay inililipat na sa nakaantabay na Barge S-7000 na hatak naman ng Malaysian Salvage vessel na Trabajador 1.

Susunod na tutukan ng salvage team ang pagkalas ng 01-A level ng barko kung saan naroon ang ward room at cabin ng kapitan.

Iniulat pa ni Commodore Evangelista na dahil gumanda na ang lagay ng panahon sa Tubbataha Reef kaya muling sinimulan kahapon ang salvage operations na naantala matapos pansamantalang mahinto kamakalawa.

Inaasahan naman na hanggang sa susunod na linggo ay mananati­ling maganda ang lagay ng panahon sa Tubbataha kaya inaasahan ding magtutuluy-tuloy ang salvage operations.

 

vuukle comment

BARGE S

COMMODORE ENRICO EVANGELISTA

COMMODORE EVANGELISTA

INAASAHAN

INIULAT

MALAYSIAN SALVAGE

PHILIPPINE COAST GUARD-PALAWAN DISTRICT

TASK FORCE TUBBATAHA

TUBBATAHA REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with