^

Bansa

67 supporters ni Kiram naharang sa Tawi-Tawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naharang ng mga operatiba ng pulisya ang nasa 67 supporters nina Sultan Jamalul Kiram matapos na tangkaing mag-reinforce kaugnay ng nagaganap na sagupaan sa pagitan ng Sulu Royal Army at Malaysian security forces sa Lahad Datu, Sabah.

Sa phone interview, kinumpirma ni Tawi-Tawi Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Joselito Salido na ang nasabing mga supporter nina Kiram ay naharang kahapon sa Simunul Island kung saan dinala na ang mga ito sa Bongao, ang kapitolyo ng Tawi-Tawi.

Ang mga ito ay mula sa Basilan at Sulu na nais sanang tumulong sa puwersa ng mga Kiram na binobomba na ang kinaroroonan sa Lahad Datu ng mga jet fighters ng Malaysia.

Sinabi ni Salido na pinagpaliwanagan nila ang mga supporters nina Sultan Kiram na huwag ng magtungo sa Lahad Datu dahil makakadag­dag lamang ang mga ito sa problema roon.

Kaugnay nito, 52 pang manggagawang Pinoy ang dumating sa Tawi-Tawi kahapon na lumikas sa Sabah sa takot namang maipit ng sagupaan.

DIRECTOR SR. SUPT

JOSELITO SALIDO

KIRAM

LAHAD DATU

SABAH

SIMUNUL ISLAND

SULTAN JAMALUL KIRAM

SULTAN KIRAM

SULU ROYAL ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with