^

Bansa

Tropang Kiram binomba!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatikim na ang Ma­laysian authorities ng kanilang matinding ae­rial strikes at compo­site ground assaults upang tuluyang pulbusin at ta­pusin ang mga mi­yembro ng Sulu Sultanate Royal Army at mga tagasuporta ni Sultan Jamalul Kiram III na sinasabing mga ‘intruders” sa kanilang teritoryo sa Sabah kahapon.

Bukod sa dalawang army battalions para sa karagdagang ground attacks, gumamit na rin ng fighter jets ang Malaysian security forces at nagbagsak ng bomba sa lugar na hinihinalang pinagkukutaan ng may 100-300 Pinoy Muslims na pinamumunuan ng ka­­patid ng Sultan na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram sa Tanduo village, Lahad Datu sa Sabah.

Ang aerial at ground attacks laban sa Rajah Muda group ay sini­mu­lan alas-7 ng umaga ka­hapon matapos na iba­sura ng Malaysia ang apela ng Pilipinas na mag-exer­cise o magpatupad ng “ma­xi­mum tolerance” sa mga tagasuporta ni Kiram na armadong pumasok sa Sabah.

Wala pang report na Pinoy o Malaysian casualties sa nasabing pag-atake.

Sinabi ni Malaysian Prime Minister Mohamed Najib bin Abdul Razak na mananagot ang mga Pinoy na sangkot sa standoff at kakasuhan sila ng multiple murder dahil sa pagkamatay ng walong pulis-Malaysia. Ayaw ani­ya nila na dumanak pa ang dugo subalit nakikita nila na walang planong umalis ang grupo ni Kiram kaya dapat din nilang depensahan ang kanilang soberenya.

Gayunman, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na muli niyang ihihirit sa Malaysian government ang apela na “maximum tolerance”.

Hiniling rin kahapon ni del Rosario kay Ma­lay­sian Foreign Minister Dato Sri Hj. Aman Anifah na mag­lagay ng “safety cor­ri­dor” o ligtas na daanan sa Lahad Datu para makaalis ang mga sibilyang Pinoy na hindi sangkot sa grupo ni Rajah Muda na tinutugis ng Malaysian troops.

Hanggang kahapon ay wala pang natatanggap ang DFA na clea­rance mula sa Malaysian government na nagbibigay pahintulot na maka­paglayag sa border ng Malaysia at makadaong sa Lahad Datu ang Philippine Navy ship lulan ng mga medical personnel at social workers at mga pagkain at gamot para sa consular mission at me­dical assistance sa mga sugatan at biktima ng nagaganap na karahasan sa Sabah.

ABDUL RAZAK

AMAN ANIFAH

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

LAHAD DATU

PINOY

RAJAH MUDA

SABAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with