^

Bansa

DSWD probe giit benepisyaryo ng 4Ps sa Davao binabantaan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan kay DSWD Secretary Dinky Soliman ng mga benepisyaryo ng 4Ps o ang Pantawid Pamilya Program ng pamahalaan mula sa district 2 sa Davao City ang umano’y banta na natatanggap ngayon ng mga local barangay officials doon na sila ay aalisin sa talaan ng mga benepisyaryo ng naturang programa kung hindi nila susuportahan sa nalalapit na halalan ang kandidatura ni incumbent Davao City Rep. Mylene Garcia Albano.

Iginiit din ng mga ito kay Sec. Soliman na magpalabas ng isang memorandum order sa lahat ng regional director ng ahensiya para protektahan ang mga benepisyaryo ng naturang programa at tuloy mailayo sila sa pamumulitika ng mga kandidato sa lugar.

Hiniling din ng mga 4P’s beneficiary kay DILG Secretary Mar Roxas na paalalahanan ang mga barangay officials na huwag makikialam sa anumang mga maling hakbang ng mga mapagsamantalang kandidato at ha­yaan na lamang ang mga botante sa anumang idinidikta ng kanilang mga konsensiya sa sinumang nais nilang iluklok sa puwesto. 

Ang 4Ps ay isang ayuda ng pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayan ng bansa upang matulu­ngan ang mga pamilya na mapag-aral ang mga anak sa mga eskuwelahan at upang magkaroon ng mapapagkakitaan para sa ikabubuhay ng kanilang mga pamilya.

 

DAVAO CITY

DAVAO CITY REP

HINILING

IGINIIT

MYLENE GARCIA ALBANO

PANTAWID PAMILYA PROGRAM

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with