Robin Padilla, dumalaw sa pamilyang Kiram
MANILA, Philippines - Makaraan ang isang araw na kaguluhan sa Sabah Malaysia, nagpaÂkita at dumalaw kahapon ng hapon ang actor na si Robin Padilla sa pamilyang Kiram sa Maharlika Village, Taguig City.
Dakong alas-2:30 ng hapon nang dumating si Padilla sa bahay ng mag-amang Jamalul Kiram III at Princess Jecel at nagpaabot ng suporta ang actor sa pamilyang Kiram.
Sinabi ni Princess Jecel, nagbigay ng tulong financial si Padilla ng halagang P500,000 para sa kanyang ama na panggastos sa pagpapagamot nito sa kanyang karamdaman na sumasailalim sa dialysis bunsod ng kidney failure.
Ayon pa kay Princess Jecel, si Padilla ay inaanak sa kasal ng kanyang ama at ito rin ang tumulong nang mabilanggo ang aktor sa New Bilibid Prison (NBP).
Si Padilla ay isang Muslim convert ay nagsabing nais nitong makatulong sa pamilya Kiram lalo’t na ngayon sa nangyayaring kaguluhan sa Sabah.
Nagpahayag ng kaÂlungÂkutan ang actor sa naganap na madugong sagupaan ng kanyang mga brother Muslim at Malaysian authority kung saan ay 15 buhay ang nalagas kabilang ang 12 Royal Forces at tagasunod ng pamilyang Kiram.
Anang actor, layunin niyang magkaroon ng mapayapang resolusyon ang standoff sa Sabah at sana ay huwag ng maulit pa ang bakbakan.
- Latest


















