2 senat’l bets, 6 party-lists sinita sa illegal campaign materials
MANILA, Philippines - Dalawang senatorial bets at anim na party-list groups ang pinadalhan ng notices mula sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng kanilang iligal na size at paglalagay ng campaign materials.
Ayon kay Atty. Esmeralda Ladra, director ng CoÂmelec-Law Department, kasama sa kanilang pinadalhan ng notice sina Risa Hontiveros ng Team PNoy at independent candidate na si Edward Hagedorn.
Sa mga party-list groups naman ay pinadalhan rin ng notice ang mga grupong Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA); Buhay Hayaan Yumabong (Buhay); 1 Joint Alliance of Marginalized Group, Inc. (1JAMG); Piston Lang Transportation Coalition, Inc. (Piston); Kabataan; at LPG Marketers Association, Inc. (LPGMA).
Sinabi ni Ladra na nakalagay sa kanilang notice na inaatasan ang mga nasabing kandidato na alisin na ang kanilang mga campaign materials na sobra sa size o nakalagay sa hindi naman itinalagang common poster area.
Ang poster ni Hontiveros ay nakalagay sa Dumaguete City habang ang kay Hagedorn naman ay sa Osmeña Highway sa Maynila.
Sinabi ni Ladra na kapag sa loob ng 3 araw ay hindi inalis ng mga ito ang kanilang illegal campaign materials ay maaari silang maharap sa election offense.
Sa ngayon ayon kay Ladra ay wala pang sinuman sa mga ito ang umaksyon sa kanilang notice, habang ang “Buhay†naman ay iginiit na hindi sila ang naglagay ng kinukwestyong campaign posters.
- Latest