^

Bansa

Kasalang Bayan sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga mag-asawang hindi pa naikakasal na dumalo sa gaganaping Kasalang Bayan sa Marso 3 ng taong kasalukuyan sa Glorietta Park, Tala ng nasabing lungsod.

Ayon kay Echiverri, ang Kasalang Bayan ay isang paraan upang ma­ging ganap ang pagiging mag-asawa ng mga nagsasama sa isang bubong ng hindi pa nakararanas na maikasal sa simbahan man o sa huwes.

Aniya, sa pamamagitan din nito ay magiging legal ang dadalhing pangalan ng mga anak ng mga mag-asawang ikakasal at lahat ng benepisyo na maaaring makuha ng mga supling ay maaari na nilang makuha kapag naikasal na ang kanilang mga magulang.

Wala ring iintindihing gastos ang mga mag-asawang ikakasal dahil sinasagot ng lokal na pamahalaan ang pagpaparehistro sa kanilang marriage certificate maging ang pagproseso sa birth certificate ng kanilang mga anak ay sinasagot na rin ng administrasyon ni Echiverri.

Kinakailangan lamang magtungo ng mga mag-asawang gustong magpakasal sa tanggapan ng Civil Registry Department (CRD) na matatagpuan sa main city hall at north city hall upang ipatala ang kanilang mga pangalan.

ANIYA

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CIVIL REGISTRY DEPARTMENT

ECHIVERRI

GLORIETTA PARK

HINIKAYAT

KASALANG BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with