Sabah issue linawin na - CIBAC
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Sherwin Tugna sa pamahalaan na magkaroon na ito ng paninindigan kung dapat bang angkinin o hindi ng Pilipinas ang Sabah.
Ginawa ni Tugna ang panawagan bunsod ng pananalakay ng may 400 Pilipino na royal guards ng sultan ng Sulu na umaangkin sa naturang isla sa Malaysia.
Pinuna ng mambabatas na matagal nang natulog ang naturang usapin at ngayon ay napapabalita na naman. “Mas nararapat lang na pagpasyahan na natin kung dapat bang igiit muli natin ang aworidad natin at angkinin ang Sabah. Kung hindi, magiÂging isa itong isyu na lagi nating iniiwasan at hindi sinosolusyunan. MaaaÂring mahirap pero kailaÂngan na rito ang malinaw na paninindigan,†sabi pa ni Tugna na miÂyembro ng foreign affairs committee ng House of Representatives.
Sinabi ni Tugna na sa pagharap sa naturang usapin ay dapat manaig ang kapayapaan at huwag hayaan na magkaroon ng kaguluhan.
Nakakatiyak anya siya na magkakaroon ng payapang kasunduan ang Pilipinas at Malaysia sa Sabah lalo pa at naÂging instrumento ang Malaysia sa matagumpay na usapang pangkapaÂyapaan ng pamahalaan at ng Moro Islamic LiÂberation Front.
“Pero sa tingin ko, bago gumawa ng malakas na panininidigan sa isyu ng Sabah, dapat munang magkaroon ng maingat na pag-aaral dito ang mga historian at legal expert ng pamahalaan,†sabi pa ni Tugna.
- Latest