^

Bansa

Mga piskal nag-atrasan sa kaso ni Isko

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Department of Justice (DOJ) na ang hahawak sa kaso ng pagkakadakip kay Manila Vice Mayor Isko Moreno at lima pang konsehal ng siyudad dahil sa pa-bingo sa Sta. Cruz Maynila no­ong Sa­bado.

Ito’y matapos ihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na nag-inhibit ang mga piskal sa Lungsod ng Maynila sa pag­ hawak sa kaso.

Matatandaang ina­resto sina Mo­reno at li­mang konsehal pero pi­nakawalan din ma­ta­pos ibasura ng Manila Prosecutor’s Office ang reklamong illegal gam­­bling na isinampa ng Ma­nila police.

Paliwanag ni de Lima, nagpasya ang mga piskal ng Manila Prosecutors’ Office na mag-inhibit dahil na rin sa pagiging sen­sitibo ng nasabing kontrobersiya.

Una na umanong ini­rekomenda ni Manila Chief Prosecutor Edward Togonon na mailipat sa DOJ ang pag-iimbestiga sa kaso na sinang-ayunan naman ni Prosecutor General Claro Arellano.

Tinukoy pa ng kalihim na nais nilang maprotektahan ang mga local prosecutor mula sa panggigipit o impluwensya na may kinalaman sa pulitika.

Samantala, pormal nang sinampahan ng ka­song administratibo ni Moreno sa National Police Commission (Napolcom) ang Police Commu­nity Precinct (PCP) commander na si P/Insp. Edu­ardo Morata at 30 pang pulis na dumakip sa kanya.

Partikular na isinampa sa Napolcom ang kasong “grave misconduct at abuse of authority” laban sa mga pulis.

Bukod rito ay ipinag­harap na rin ng patong-patong na kasong kriminal ng grupo ni Moreno sa Office of the Ombudsman si Morata at 30 pang pulis.

Partikular na isasampa nila ay roberry, grave coer­cion, unlawful arrest, arbi­trary detention at incriminating innocent person.

Wala pang isinasampang kaso si Moreno laban kay Station 3 commander PSupt. Ricardo Layug kung saan naghahanap pa sila ng ebi­densya. Binigyan naman ng Napolcom si Morata ng limang araw upang sagutin ang kaso laban sa kanya.

vuukle comment

ANG DEPARTMENT OF JUSTICE

CRUZ MAYNILA

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA CHIEF PROSECUTOR EDWARD TOGONON

MANILA PROSECUTOR

MORATA

MORENO

NAPOLCOM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with