Brillantes sa mga kritiko, tumulong na lang kayo!
MANILA, Philippines - Sa halip na batikuÂsin at isabotahe sa paÂmaÂmagitan ng pagbibigay ng maling impormasyon, mas mabuting tulungan na lamang ang ComeÂlec para maging matagum pay ang ikalawang autoÂmated election sa bansa.
Ito ang naging apela kahapon ni Comelec Chairman Sixto BrillanÂtes sa mga grupong AES Watch at CenPeg na mahigpit na kritiko ng Comelec.
Mariin pinabulaanan ni Brillantes ang umano’y pinakakalat na impormasyon ng AES Watch at CenPeg na pirated lamang ang software ng Precint Count Optical Scan (PCOS) machine na gagamitin sa May 13 automated elections.
Anang opisyal, noong Marso 30, 2012 ay binili ng Comelec ang PCOS machine habang ang kanselasyon naman sa kontrata ng Smartmatics at Dominion Voting Center ay noong Mayo 23, 2012. Nangangahulugan aniya, na legal na may-ari ng mga PCOS machine ang Pilipinas.
- Latest