^

Bansa

Umasunto sa DA sec. may 4 kaso sa Ombudsman

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap umano sa patong-patong na asunto sa Ombudsman ang da­ting alkalde na nagsampa ng kaso laban kay Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Ito ang nabunyag mula sa tanggapan ng Ombudsman matapos makumpirma na si Ramon Y. Talaga Jr., ay nahaharap sa apat na kaso ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang unang kaso ay isinampa noong Agosto 22, 2002; Setyembre 17, 2010; June 8, 2011 at Agosto 24, 2012 na pawang dinidinig ngayon sa Ombudsman, ayon sa dokumento.

Ang apat na kaso ay isinampa laban kay Talaga noong siya pa ay Mayor ng Lucena City.

Kamakailan ay kinasuhan ni Talaga sa Ombudsman si Alcala dahil sa umano’y hindi tamang paggasta ng halos P3.5 milyong halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong si Alcala ay miyembro pa ng Kongreso.

Mariing itinanggi ni Alcala ang paratang at iginiit na pinupulitika lamang sila dahil itinaon ang pagsampa ng kaso sa kanya ngayong eleksyon kahit na noon pang 2008 umano nangyari ang sinasabing reklamo.

Si Talaga ay tatakbo muling Mayor sa Lucena kalaban ang pamangkin ni Alcala na si Lucena incumbent Mayor Roderick Alcala.

 

AGOSTO

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

ALCALA

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

LUCENA

LUCENA CITY

MAYOR RODERICK ALCALA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RAMON Y

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with