UNA magiging patas sa laban
MANILA, Philippines - Tinitiyak ng pamunuan ng United Nationalist Alliance (UNA) na magiging patas sila sa gobyerno sa paghahayag ng kanilang mga puna sa kasalukuÂyang administrasyon sa paglalatag ng kanilang plataporma sa publiko ngayong panahon ng kampanya sa eleksiyon.
Ayon kay UNA-National Capital Region Chairman at Muntinlupa Mayor Aldrin San PedÂro, bagama’t itinuturing umano ng administrasyon bilang oposisyon ang kanilang koalisyon ay magiging balanse ang lahat ng mga pahayag at puna na kanilang bibitiwan kaugnay sa kasalukuyang gobyerno.
“Hindi naman kami basta na lang babanat sa administrasyon for the sake of babanat lang, we would criticize the administration so that it could correct itself and help it to succeed,†paliwanag ni San Pedro sa panayam ng mga mamamahayag sa UNA proclamation rally sa lunsod ng Cebu.
Si San Pedro, kasama ng iba pang mga mayor mula sa Metro Manila ay sumama sa puwersa ng UNA sa kick off campaign nito sa Cebu upang ipakita ang kanilang suporta sa koalisyon sa paglalatag ng kanilang plataporma sa mga botante sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
- Latest