^

Bansa

Pinoy Seaman utas sa Spain

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tripulanteng Pinoy ang nasawi habang isa pa ang sugatan sa kasagsagan ng mock rescue exer­cise­ o safety drill  ng isang malaking cruise ship sa Canary Islands sa Spain kamakalawa.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang ang isang Pinoy sa limang crew na kumpirmadong patay habang isa pang Pinoy ang kasama sa tatlong sugatan nang aksidenteng mahulog ang lifeboat na ikinakabit sa deck ng MS Thomson Majesty cruise ship na may sakay na 1,498 katao at 594 crew sa Sta Cruz Port. 

Kasama sa mga dayuhang nasawi ay ang tatlong Indonesian at isang Ghanian habang ang tatlong sugatan kabilang ang isang Pinoy at Griyego ay dinala at nilapatan ng lunas sa isang ospital sa La Palma.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inatasan na ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Madrid na makipag-ugnayan sa Thomson Cruises, ang agency ng mga Pinoy crew at nagmamay-ari ng Thomson Majesty upang mabigyan sila ng assistance at sa repatriation ng isang nasawi.

Nabatid na nagsimula umano ang drill dakong alas-10:30 ng umaga noong Linggo at nagsisakay ang mga tripulante ng cruise ship sa mga lifeboats para sa routine lifeboat tests.

 

CANARY ISLANDS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

ISANG

LA PALMA

PINOY

STA CRUZ PORT

THOMSON CRUISES

THOMSON MAJESTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with