UNA lumarga na sa Cebu
LAHUG, CEBU CITY, Philippines – Lumarga na ngayon araw ang nationwide cam paign ng United Nationalist AlÂliance (UNA) kung saan ay ihaharap sa mga boÂtante ang 9 nilang kandidato sa pagka-senador.
Ayon kay UNA secretary general Toby Tiangco sina dating Pangulong Joseph Estrada, Vice Pre sident Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile ang manguÂnguna sa proclamation rally sa Cebu na may 2.4 milÂyon rehistradong botante.
Ayon kay Tiangco, mas pinili nila ang Cebu sa paglulunsad ng grand rally bilang pagpapakita ng suporta kay Governor Gwen Garcia.
Kabilang sa mga seÂnatoriables ng UNA sina Senator Gregorio HoÂnaÂsan, Nancy Binay, TingÂting Cojuangco, JV Ejercito, Jack Enrile, Richard Gordon, Ernesto Maceda, Mitos Magsaysay at Juan Miguel Zubiri.
“Nakakataba ng puso ang pagpapakita ng suporta ng mga Cebuano, and UNA is very honored and proud to have its first rally in the province of Cebu,†sabi ni Tiangco.
- Latest