Ayuda ni Maganto sa libu-libong bata, matanda bumaha
MANILA, Philippines - Libu-libong bata, se nior citizen at mga kabataan ang nabibiyaÂyaan na ng iba’t ibang ayuda ni Manila 5th district Congressional candidate Faith Maganto na layunin ay iangat ang estado ng pamumuhay ng mga residente dito.
Hindi pa man nakakapagsumite ng kanyang certificate of candidacy, sinimulan na ni Maganto ang pagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap niyang nasasakupan kung saan 5,000 katao ang nabiyayaan partikular ang mga na-confine sa mga ospital na hindi makabayad ng kanilang medical bills at 35,000 bata ang sumailalim sa feeding program upang matiyak na makakain ng sapat ang mga ito.
Ang mga ito ang naÂging batayan ng 135 sa 184 barangay chairman sa nasabing distrito upang suportahan ang kandidatura ni MaÂganto sa pamamagitan ng isang manifesto na kanilang nilagdaan sa idiÂnaos na salu-salo sa Manila Hotel na piÂnaÂmagatang One United Team Maganto 2013.
Ayon kay Maganto, hindi niya inaasahan ang suporta ng mga kapitan lalo na sa tulad niyang baguhan sa politika.
Noong nakaraang taon libong kabataan din na nagnanais makatapos sa pag-aaral ang nabibiyayaan ng schoÂlarship grants mula rin kay Maganto, sa pakikiÂpagtulungan ng F. Ma ganto Construction at 360 International, kasama ang mga leader ng Have Faith Volunteers.
Adbokasiya ni Ma ganto na tutukan ang pagbibigay ng mga programa sa kalusugan, edukasyon at pagbibigay ng matino at maraÂngal na trabaho para sa kanyang mga nasasaÂkupan.
Kilala ang lady congressional bet na nagtuturo sa mga barangay officials ng tama at responsableng paggamit ng baril upang maging sandata nila sa kanilang nasasakupan sa pagsugpo sa krimen.
Maging ang mga inÂmates ng BuCor ay kan yang binigyang pagkaÂkataong bumangon muli sa pamamagitan ng pamimigay ng livelihood proÂjects sa mga ito.
- Latest