^

Bansa

Malinis, disenteng halalan hingi

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Zambales Rep. at UNA senatoriable Mitos Magsaysay sa kanyang mga kapwa kandidato ng isang malinis at disenteng kampanya sa halip na magbatuhan ng mga paninira at black propaganda na siyang nakagawian na ng nagdaang mga halalan.

Sa kabila nito inaasahan na umano nito na ma­ giging challenging ang kampanya dahil sa lahat ng kandidato ay mayro­ong ibat ibang background at makakaikot din siya sa bawat sulok ng bansa upang makuha ang pulso ng bawat Filipino.

“Gawin nating naiiba ngunit mas maganda ang ating halalan nga­yong taon. Huwag natin itong hayaang maging ba­tuhan ng paninira at kasinungalingan. Gawin natin itong malinis at para sa taumbayan upang ma­kapagdesisyon sila batay sa ating mga track, plataporma at programa,” ayon pa kay Magsaysay

Si Magsaysay ay nanilbihan  bilang kongresista sa loob ng tatlong termino sa unang distrito ng Zambales at napara­ngalan bilang Outstan­ding Congressman sa loob ng anim na beses.

 

GAWIN

HUWAG

MAGSAYSAY

MITOS MAGSAYSAY

NANAWAGAN

OUTSTAN

SHY

ZAMBALES

ZAMBALES REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with