^

Bansa

592 loose firearms kuha sa checkpoint

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Epektibo ang inilatag na mga checkpoint sa buong bansa dahil mayorya sa mga loose firearms na nasamsam ay mula rito kaugnay ng election gun ban.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Gene­roso Cerbo Jr., simula ng maglatag ng checkpoint at on-the-spot gun check operations ang PNP at AFP noong Enero 13 ay umaabot na sa 592 sari-saring mga armas na nakumpiska sa 675 mga naarestong katao. Lumi­litaw rin na 602 rito ay nasakote sa checkpoint operations.

Nangunguna pa rin ang mga sibilyan sa pi­nakamaraming naaresto sa paglabag sa gun ban na umabot sa 602, 11 pulis, 11 empleyado ng gobyerno, 46 security guard, dalawang sun­dalo, isang bumbero at isa ring CAFGU.

Bukod sa mga baril ay nakasamsam rin ang mga awtoridad ng 173 patalim, 20 granada at 157 mga eksplosibo. 

Alinsunod sa ipinatutupad na gun ban ay ta­nging mga pulis, sundalo at iba pang law enforcement agencies na naka­uniporme at naka-duty ang maaring magbitbit ng mga baril. Ang mga VIPs at iba pa ay kailangan ng ‘exemption’ mula sa Co­melec.

ALINSUNOD

AYON

BUKOD

CERBO JR.

ENERO

EPEKTIBO

SHY

SPOKESMAN CHIEF SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with