Stranded na Pinay sa Iran nagpakamatay
MANILA, Philippines - Isang Pinay ang natagpuang lulutang-lutang sa dagat matapos na umaÂÂno’y magpakamatay dahil sa matinding depresÂyon habang stranded sa Kish Island sa Iran.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, pinapabeÂriÂpika na nila sa Konsulado ng Pilipinas sa Tehran ang insidente ng umano’y pagpapatiwakal ng isang Pinay na hindi pa binanggit ang pagkakakilanlan na kabilang sa may 2000 OFWs na sinasabing stranded sa Kish Island.
Inatasan din ang Konsulado na tingnan ang anuÂmang mabibigay na assistance at maging sa ulat na maraming stranÂded na Pinoy sa Kish Island mula sa United Arab Emirates.
Hiniling na rin umano ng pamilya ng nasawing Pinay na ipasailalim sa awtopsiya ang bangkay at sa repatriation nito.
Base sa pahayag sa DZMM ng isang OFW na si Fatima Arandia na nagtatrabaho sa Kish Island simula noong 2006, may apat na araw umanong hindi kumain ang nasaÂbing Pinay hanggang sa makita na lamang na luluÂtang-lutang sa dagat.
Nagtungo umano ang biktima sa Dubai mula PiliÂpinas matapos na kuÂnin ng kanyang kasinta han subalit matapos ang isang taon ay nabalitaan na nasawi ang kanyang ama at sumunod namang nagkasakit ang kanyang ina.
Bunsod nito, sinabi umano ng nasabing Pinay na nais na niyang umuwi sa Pilipinas subalit kapos sa pamasahe.
Si Arandia ay kabilang sa mga OFWs na tumutulong umano sa mga stranded Pinoys sa Kish Island.
- Latest