^

Bansa

P4-milyong puslit na LED TV nasabat ng BoC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng Bureau of Customs kahapon ang mahigit na P4-M halaga ng mga hinihinalang “palusot” na mamahaling LED tv sets sa dalawang sangay ng appliance store sa kilalang mall sa Pasig at Mandaluyong City.

Kabilang sa nasamsam ay ang pitong unit ng tv set na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng mula P85,000 hanggang P600,000 sa dalawang sangay ng Listening in Styles appliance store sa Shangrila Plaza Mall sa Mandaluyong at sa Eastwood, Pasig City.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon hindi nakapagpakita ng katibayan ang nasabing appliance store na sila ay nakapagbayad ng kaukulang buwis para sa mga nasabing tv set.

Ginawa ng BOC ang hakbang kasunod nang reklamo ni Silverio Montalbo, director ng Sharp Philippines, na imbestigahan ang Listening in Styles stores dahil sa posibilidad ng ilegal na importasyon ng mamahaling tv sets na gawa ng Sharp.

Isinailalim agad ng intelligence group ng BOC sa surveillance ang nabanggit na tindahan at nang hindi nakapagpakita ng katibayan ng pagbabayad ng buwis ay sinamsam ng BOC ang mga nasabing tv set.

Ayon naman sa panig ng Listening in Style store, nabili lamang nila ang mga telebisyon na galing sa Estados Unidos mula sa mga OFW.

Gayunman, iginiit ni Biazon na iimbestigahan nila kung paanong nakapasok sa bansa ang mga tv set at kung ano ang maaaring maging pananagutan ng mga opisyal ng appliance store dahil sa illegal importation.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

ESTADOS UNIDOS

MANDALUYONG CITY

PASIG CITY

SHANGRILA PLAZA MALL

SHARP PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with