^

Bansa

DOLE sa mga graduating sa high school Kursong may mataas na sahod ang piliin!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Labor and Employment Secre­tary Rosalinda Baldoz ang mga magtatapos ng high school na pumili ng kurso sa kolehiyo na magbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon at mataas na suweldo.

Ginawa ng kalihim ang pahayag dahil na rin sa napipintong graduation ng daan-daang libong estudyante ng sekondarya ngayong Marso 2013.

Payo pa ng kalihim, huwag gayahin ng mga estudyante ang kanilang mga kaklase sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, kun­di ang isaalang-alang ay mga in-demand na kurso.

“I also advice them to refrain from choosing courses based on what’s in vogue or fashionable, or, to use the popular social lingo of the youth, what’s “trending” and po­ pu­lar. Just because a neighbor’s son or daughter­ will take up this or that course does not mean you should follow suit,” paliwanag ni Secretary Baldoz.

Binanggit ng kalihim ang 10 kursong may highest paying jobs base sa report ng Bureau of Local Employment gaya ng aviation, banking and finance, business process outsourcing, creative industries, cyber ser­vices, manufacturing at mining.

Naniniwala si Secretary Baldoz na maiiwasan ang problema sa labor mis­match kung ngayon pa lang ay magiging ma­ta­lino na sa pagpili ng kurso ang mga mag-aaral.

Inihalimbawa rin ng ka­ lihim na ang isang art director na nasa ilalim ng creative industries, ay tumatanggap ng median salary na P69,286 kada buwan, habang ang isang geologist ay nag-a-ave­rage sa P64,889.

Dagdag pa ni Baldoz, ang isang aircraft pilot, navigator at flight en­gineer ay maaaring  ma­kakuha ng P57,789 ba­wat buwan; ang mining engineer at metallurgical engineer, P55,638; habang ang isang computer programmer ay nakaka­ suweldo ng P43,573 kada buwan.  

 

BALDOZ

BINANGGIT

BUREAU OF LOCAL EMPLOYMENT

DAGDAG

LABOR AND EMPLOYMENT SECRE

ROSALINDA BALDOZ

SECRETARY BALDOZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with