PNoy nag-ala ‘Santa Claus’sa batang may cancer
MANILA, Philippines - Naging ‘Santa Claus’ si Pangulong Aquino sa 15-anyos na cancer paÂtient matapos nitong biÂsiÂtahin kahapon sa Na tional Orthopedic Hospital sa Quezon City.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, dinalaw ng Pangulo ang binatilÂyong si Jericho Rafols na na-diagnose na may bone cancer noong 13 anyos ito.
Sinabi ni Sec. Carandang, ang wish ni Rafols ay makita niya si PNoy dahil ito ang kanyang naÂging idolo kaya nilabanan niya ang kanyang cancer of the bone.
Nabuhayan ng loob ang pasyente ng makita si PNoy sa kanyang campaign slogan noong 2010 presidential elections na dapat ‘ituloy ang laban.’
Sinabi ng ina ng pasÂyente, doon lamang puÂÂmayag si Jericho na magÂÂÂpagamot sa ospital hanggang sa putulin ang kanyang kanang hita sa naturang pagamutan.
Sinagot naman ng PaÂngulo ang lahat ng gasÂtusin ni Jericho sa kanyang pagpapagamot pati ang kanyang chemotheÂraphy. Kahapon ang ika-53 taong kaarawan ni PaÂngulong Aquino.
Bukod kay Jericho ay dinalaw na rin ng PaÂngulo ang pasyenteng si Mario Maniego na 16 taon nang ginagamot sa OrthoÂpedic.
- Latest