Amiyenda sa AMLA lusot sa bicam
MANILA, Philippines - Nakalusot na sa bicameral conference committee ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang Ant-Money Laundering ACT upang mapalawak ang listahan ng mga taong dapat mag-report ng kanilang pinansiyal na transaksiyon sa Anti Money Laundering Council.
Layunin din ng panukala na mailigtas ang Pilipinas sa pag-blacklist ng Financial Action Task Force (FATF).
Nakalusot sa bicam ang naturang panukala matapos tanggalin ang probisyon na nagsasama sa mga casino sa dapat mag-report sa AMLC.
Tutol ang House of Representatives sa probisyon kung saan dapat mag-report ang mga operators ng casino pero lusot naman ito sa bersiyon ng Senado.
Upang mapabilis ang pag-apruba sa panukala at makahabol sa deadline na itinakda ng FAFT tinanggal na lamang ang nasabing probisyon sa panukala.
- Latest