Cyber law pinigil ng SC
MANILA, Philippines - Muling pinalawig ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) kontra sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon kay Atty. Gleo Guerra, tagapagsalita ng SC, tatagal ang panibagong TRO hanggang walang panibagong kautusan.
Sinabi ni Guerra na “indefinite†o walang petsang tinukoy kung hanggang kailan ang pag-iral ng nasabing TRO.
Napag-alamang Oktubre 9, 2012 nang nagpalabas ng 120 days na TRO ang SC na tatagal sana hanggang ngayon.
Nauna nang hiniling ng 15 mga petitioner sa pangunguna ng National Press Club (NPC), National Union of Journalist of the Philipines (NUJP) at ilang mga militanteng grupo na panatilihin na lamang ang implementasyon ng TRO.
Pinababasura rin ng mga ito ang kontrobersyal na batas dahil nilaÂlabag nito ang freedom of expression ng mga gumagamit ng social media.
- Latest