^

Bansa

Restaurant pinasabog: Mayor nakaligtas, 5 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamatayan ang isang alkalde habang lima katao naman ang nasugatan makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa restaurant sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte kahapon ng umaga

Ayon kay Major Edgardo Amores, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, bandang alas-11 ng umaga ng sumabog ang improvised explosive device (IED) sa isang restaurant sa bus terminal.

Kinilala ang nakaligtas na si El Salvador Mayor Jhonny Tawan-Tawan na nagkataong kumakain sa nasabing restaurant kaya sinisilip ang anggulong pulitika.

Ang pagsabog ay iki­nasugat ng lima-ka­tao  kabilang sina Cheryl Bernales, Pedro de la Vega  at si Saipudin Bocay na mabilis na isinugod sa ospital.

Bago ang insidente, isa umanong motorsiklo ang nagmamadaling humarurot palabas ng bus terminal kasunod nito ay ang malakas na pagsabog  na ikinasugat ng mga biktima.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay anim katao ang nasu­gatan matapos namang sumabog ang bomba na itinanim sa bisikleta malapit sa jewelry store sa Iligan City, Lanao del Norte.

vuukle comment

AYON

CHERYL BERNALES

EL SALVADOR MAYOR JHONNY TAWAN-TAWAN

ILIGAN CITY

INFANTRY DIVISION

LANAO

MAJOR EDGARDO AMORES

NORTE

SAIPUDIN BOCAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with