^

Bansa

2 pinalayang Pinoy crew, hindi sinaktan ng ASG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Trinato nila kami ng maayos at hindi sinaktan!.

Ito ang pahayag kahapon ng dalawang Pinoy crewmen na sina Rolando Letrero at Ramilito Vela matapos na palayain ng mga kidnappers na Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang mga itong humarap sa media kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay Vela sa loob ng walong buwang pagka­kabihag, ni minsan ay hindi umano sila sinaktan, sa halip ay maayos umano silang pinakakain.

“Nang umakyat kami sa bundok ay hindi na nila kami pinababa, hostage na raw kami”, ani Vela.

Sinabi pa ni Vela, limang araw bago sila nakalaya ay inihiwalay na sa kanila si Atyani at mula noon ay  hindi na nila nakita pa ang kanilang reporter.

Sinabi naman ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt Renato Gumban na nagawa pang makatawag ni At­yani sa pamilya nito sa Dubai noong Enero ng taong ito para ipaalam na nasa maayos siyang kalagayan.

Humihingi umano ng P20-M ransom ang mga bandidong ASG kapalit ng paglaya ni Atyani.

Inihayag naman ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga bandido.

ABU SAYYAF GROUP

ATYANI

AYON

CAMP CRAME

DIRECTOR P

RAMILITO VELA

ROLANDO LETRERO

SINABI

SR. SUPT RENATO GUMBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with