^

Bansa

Batas sa HIV/AIDS mas palalakasin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng mga mambabatas kung papaano mas palalakasin ang batas na naglalayong masawata ang pagdami ng mga nagkakaron ng HIV at AIDS upang mas matulungan ang mga biktima.

Ayon kay Sen. Pia Caye­tano, chairman ng  Committee on Health and Demography, mahalagang maipasa ang Senate Bill 3398 na tatawaging “Revised Philippine HIV and AIDS Policy and Prevention Act”.

Sinabi ni Cayetano na mahalagang mabalanse ang personal na interes ng mga biktima at ang kapangyarihan ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS.

Hindi aniya maaring basta-­basta na lamang malantad kung sino ang mga nagta­taglay ng nasabing sakit dahil mayroon din naman silang karapatang pantao.  

Pinag-aaralan na rin umano ng kanyang komite ang “practices” sa ibang bansa upang malaman kung magagamit ito dito sa Pilipinas.

Idinagdag ni Cayetano na wala naman penalty o parusa sa panukala dahil mas ma­halaga pa rin ang pagsusulong ng edukasyon at counseling sa mga stakeholders.

 

AYON

CAYETANO

HEALTH AND DEMOGRAPHY

IDINAGDAG

PIA CAYE

PINAG

POLICY AND PREVENTION ACT

REVISED PHILIPPINE

SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with