^

Bansa

Bibitaying OFW sinagip ng Saudi King

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong ang Saudi government na ang sumagip sa buhay ng bibitaying overseas Filipino worker na si Ro­gelio “Dondon” Lanuza matapos na akuin ng Saudi King ang 2.3 Saudi Riyals na balanse sa kanyang P30 milyong blood money.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, ipinabatid ng Saudi Arabia Embassy sa Manila sa DFA ang pagbibigay ng donasyon na 2.3 milyong SR o halos P25 milyon para kay Lanuza na may 12 taon nang nakakulong sa Dammam jail matapos mahatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa isang Saudi national.

Nabatid na nagpa­labas ng isang Royal directive si Saudi King Abdullah bin Abdulaziz Al Saud na sasagutin ng KSA ang balanse ng blood money para kay Lanuza.

Sinabi naman ni Ambassador Ezzedin Tago ng Phl Embassy sa Riyadh na kailangan na lamang antayin ni Lanuza ang “release order” ng Saudi court upang ganap na siyang makalaya at makauwi sa Pilipinas. 

Magugunita na hina­tulan ng bitay si Lanuza matapos mapatay ang Arabo na si Mohammad bin Said Al-Qathani noong 2000 dahil sa pagtatanggol sa sarili matapos siyang pagsasaksakin ng huli. Pumayag ang pamilya ng biktima na patawarin si Lanuza noong Peb­rero 2011 sa harap ng mga kinatawan ng Saudi Reconciliation Committee at mga opisyales ng DFA kapalit ng 3 milyong Saudi Rial o P30 milyong blood money. 

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaan sa pamamagitan ng DFA sa Saudi government dahil sa ipinakitang kabutihan kay Lanuza upang ganap na makakuha ng tanazul o affidavit of forgiveness mula sa pamilya ng biktima.

Sinabi rin ni del Rosario na ang pagkakaligtas sa bitay kay Lanuza ay nakamit mula na rin sa pagsusumikap ng tanggapan ni Vice President Jejomar Binay, na nagsisilbi ring Presidential Adviser for OFW concerns, Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at sa malaking tulong ni Loida Nicolas Lewis na nakabase sa US na nanguna sa fund raising drive para kay Lanuza.

Ang Pilipinas ay nag­laan ng mahigit P4 mil­yon para sa blood money habang nakalikom naman ang grupo ni Lewis at pamilya Lanuza ng P7.5 milyon.

 

ABDULAZIZ AL SAUD

ANG PILIPINAS

EZZEDIN TAGO

FOREIGN AFFAIRS SEC

LANUZA

PHL EMBASSY

PILIPINAS

SAUDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with