^

Bansa

FOI idaan daw sa dayalogo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iminungkahi ng isa sa mga lider ng Kamara  na idaan na rin sa dayalogo ang Freedom of Information (FOI) bill tulad ng taktikang ginawa nila sa Reproductive Health (RH) bill  upang maiwasan ang pagkakaantala pa nito.

Sinabi ni Senior De­puty Majority leader Janet Garin, kailangan na rin idaan sa dayalogo ng mga pro at anti FOI bill ang pagpaplantsa nga­yon ng kanilang posisyon.

Puwede rin isa-isahin ng mga may akda ang lahat ng mga kongresistang tutol sa nasabing panukalang batas para pagpaliwanagin ang mga ito at payapain ang pa­ngamba sa FOI bill.

Ito ay dahil sa pangu­nahing ikinatatakot ng mga tutol dito ay ang kawalan ng sistema sa ilalim nito at kung paano makakadepensa ang mga taga gobyerno kung maaabuso ang batas.

Paliwanag ni Garin, ang mga ganitong isyu ay hindi natugunan sa committee level matapos ibasura ang isinulong na right of reply provision ay ipinasa sa plenaryo ang pagtalakay dito.

Sa kabila nito aminado ang mambabatas na malabo nang maipasa ang FOI bill subalit kung magagawa umano ang dyalogo at maplantsa ang amyendang gustong ipasok ng mga kritiko ay preparasyon na ito para mapabilis ang pag-apruba ng panukala sa susunod na Kongreso.

FREEDOM OF INFORMATION

GARIN

IMINUNGKAHI

JANET GARIN

KAMARA

REPRODUCTIVE HEALTH

SENIOR DE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with