^

Bansa

Labi ng 3 pang Pinoy sa Algeria naiuwi na

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo pang OFWs na nasawi sa madugong hostage-taking sa isang gas plant sa Algeria ang naiuwi na ang kanilang mga labi sa bansa kahapon.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez ang pagdating ng mga labi ng tatlo pang OFWs kagabi kasunod ng repatriation kamakalawa ng gabi sa mga bangkay ng apat na Pinoy na biktima rin ng hostage crisis sa In Amenas gas plant sa Algeria.

Tumanggi si Hernandez na pangalanan ang mga biktima dahil sa pakiusap ng kanilang kaanak.

May isa pang bangkay ng Pinoy ang naiwan sa Algeria at pinoproseso na rin ang pagpapauwi dito habang patuloy na hinahanap ang isang OFW na nawawala.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon, ang pamilya ng lahat ng nasawing OFWs sa hostage ay makatatanggap ng P220,000 death at burial benefits. Aalukan din sila na maka-avail ng Education and Livelihood Assistance Program (ELAP), scholarship grant para sa kuwalipikadong dependent o anak at livelihood assistance na P15,000 para sa maybahay o asawa ng nasawing OFW upang makapag­si­mula ng maliit na negosyo.

AALUKAN

ADMINISTRATOR CARMELITA S

AYON

DIMZON

EDUCATION AND LIVELIHOOD ASSISTANCE PROGRAM

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HERNANDEZ

IN AMENAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with