^

Bansa

Kaso vs GMA walang ebidensiya

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng isang opis­yal ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na “walang ebi­densiya” na magtutu­rong kinulimbat ni da­ting pangulo at ngayo’y Pampanga Rep, Gloria Macapagal-Arroyo ang “confidential and intelligence fund” (CIF) ng PCSO kasabwat ang mga dating opisyal nito.

Sa ginawang cross-examination ni Aleta Tolentino, PCSO board member at “appointee” ni Pangulong Aquino, inamin nito sa Sandiganbayan na wala silang makuhang ebidensiya na magdidiin kay GMA at iba pang akusado sa kasong plunder ng CIF.  

“We don’t know where the money is. We don’t know where it is,” sabi ni Aleta sa korte na dumidinig sa petition for bail ng mga akusado.

Idinagdag pa ni Aleta na:“We don’t know where the money went, who saved it,” nang tanu­ngin kung may hawak na ebidensiya ang gobyerno para patunayang may “ill-gotten wealth” ang mga nasasakdal.

Bukod kay GMA, ka­sama rin sa kaso sina ex-PCSO chairman Sergio Valencia, ex-budget officer Benito Aguas at former board member Manuel Morato.

Isinabit din sa P365.9 milyon plunder case sina ex-PCSO general manager Rosario Uriarte, Raymundo Roquero, Jose Taruc V, Fatima Valdes, mga dating board members at, ex- Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar at COA auditor, Nilda Plaras.

Hindi naman ikinagulat ng kampo ng dating pa­ngulo ang itinakbo ng mga pangyayari.

Ayon kay Atty. Raul Lam­bino, abugado at tagapagsalita ni GMA sa kaso, “unti-unti, subalit patuloy na humihina” ang mga kasong isinampa ng gobyernong Aquino laban sa dating pangulo.

Una nang nirekomenda ng isang Ombudsman panel na huwag ng isampa ang kasong plunder ng PCSO fund dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya subalit hindi ito pinansin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sa halip, gumawa ito ng panibagong panel na siya namang nagrekomenda na ituloy ang kaso.

ALETA

ALETA TOLENTINO

BENITO AGUAS

FATIMA VALDES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOSE TARUC V

MANUEL MORATO

NILDA PLARAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with