MANILA, Philippines - Hindi pipiyansahan ni Pangulong Aquino si Presidential Adviser on Environmantal Protection at LLDA general manager Neric Acosta matapos na iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto rito kaugnay sa kasong perjury na nakasampa rito sa anti-graft court.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mas inaasahan daw ng Malacañang na tatalima si Acosta sa rule of law matapos magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan 5th division laban sa kanya.
Bukod kay Acosta ay ipinapaaresto din ng korte ang ina nitong si Mrs. Socorro Acosta at kanyang tiyahin na si Ma. Nemia Bornidor na miyembro naman ng board ng Binhi.
Ang kaso ay kaugnay sa P5.5 milyong pork barrel ni Acosta noong kongresista pa ito sa VegeÂtable Producers CoopeÂrative na isang pribadong kumpanya na pag-aari ng pamilya ng mambabatas.
Ayon kay Valte, hindi niya alam kung makakapagpiyansa si Pangulong Aquino na nasa Davos, Switzerland para kay Acosta tulad ng ginawa nito noon kay dating Gov. Grace Padaca na ngayon ay miyembro ng Comelec.