^

Bansa

Atimonan report bigo sa deadline

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na inabisuhan niya si Pangulong Aquino na hindi kayang habulin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang unang itinakdang deadline sa pagsusumite ng isinagawang imbestigasyon sa Atimonan incident dahil sa marami pang nagaga­nap na pag­ babago katulad ng pagsulpot ng mga testigo ng dalawang pa­nig.

Ang pagsulpot ng ma­rami pang development ang pinag-aaralan pa nga­yon ng NBI para isama sa isusumiteng ulat kaya hindi naihabol sa Pangulo bago ito tumulak kahapon sa Davos, Switzerland sa dadaluhang forum ng world leaders.

Ang Pangulo ay lumi­pad bandang alas-11:00 ng umaga kahapon ka­sama ang buong delegasyon para sa economic forum.

Samantala, nadagdagan ang ikatlong testigo sa panig ng DOJ at hawak na ng NBI.

Kinumpirma din ni de Lima na ang ikatlong testigo, na una nang nag­tago dahil sa takot ay kusa nang lumapit sa NBI at ang salaysay umano nito ay tugma o nagco-corroborate sa mga testimonya ng naunang dalawang testigo.

Agad isinailalim sa Witness Protection Pro­gram (WPP) ang bagong testigo dahil naniniwala sila na may maitutulong ito sa ginagawang imbes­ti­gasyon ng ahensiya.

ANG PANGULO

ATIMONAN

DAVOS

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG AQUINO

SHY

WITNESS PROTECTION PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with