^

Bansa

Gov’t. funds ginamit ni Miriam sa personal na pangangailangan - Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag na kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na si Senator Miriam Defensor-Santiago ang mambabatas na gumagamit ng pondo ng Senado sa kanyang personal na pangangailangan katulad ng pambili ng groceries at pambayad sa kanyang satellite office na mismong pag-aari niya.

Sinabi ni Lacson na umaasa siyang magiging mabuti na ang kalusugan ni Santiago na nagpadala kahapon ng sulat sa Senado para ipaalam na siya ay naka-sick leave dahil sa hypertension at chronic bone marrow disorder.

Inihayag ni Lacson na balak niyang sampahan ng reklamo si Santiago pero hindi niya ito gagawin habang maysakit ang senadora.

“Maysakit eh. Ang wish ko lang sana get well soon para I can already press charges against her. Kasi pangit ang maysakit, walang laban. At sabi ng doktor tama o hindi, precarious. Ayaw natin mag-contribute sa makalala ang kanyang karamdaman,” sabi ni Lacson.

 

 

vuukle comment

AYAW

IBINUNYAG

INIHAYAG

KASI

LACSON

MAYSAKIT

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENATOR PANFILO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with