^

Bansa

Bagong AFP chief uupo ngayon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Opisyal na iluluklok ngayong araw si Lt. Gen. Emmanuel Bautista bilang ika-44 Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gaganaping turnover ceremony sa Camp Aguinaldo.

Si Bautista na miyembro ng ruling Philippine Military Academy (PMA) Class 1981 ang napili ni Pa­ngulong Aquino na humalili kay outgoing AFP Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa, ng PMA Class 1979 na bababa na ngayong araw sa puwesto, o apat na araw na maaga sa kaniyang ika-56 taong kaarawan (Enero 20), na compulsory age retirement sa AFP.

Si Bautista ay anak ng yumaong si dating Brig. Gen. Teodulfo Bautista, na nagbuwis ng buhay sa ambush sa Sulu matapos na linlangin ng grupo ng MNLF na nagpanggap na susuko sa pamahalaan may 35 taon na ang nakalilipas noong kasalukuyan pang kadete sa PMA ang kaniyang anak.

 

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

EMMANUEL BAUTISTA

JESSIE DELLOSA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SI BAUTISTA

TEODULFO BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with