^

Bansa

Inquiry sa Atimonan shootout suportado ng Kamara at Senado

Gemma Garcia at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado ng liderato ng Kamara ang pagsusulong ng isang kongresista na imbestigahan ang umanoy naganap na  barilan  sa Atimonan, Quezon kung saan 13 katao ang  nasawi.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, bagamat suportado niya ang panawagan ni Minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na imbestigahan ang nasabing insidente ay mas makakabuti munang hintayin ang imbestigasyon na isinasagawa ng mga otoridad lalo na ng National Bureau of Investigation na naunang inatasan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Speaker Belmonte, hindi makakatulong ang kanilamg gagawing imbestigasyon kung isasabay ito sa pagsisiyasat ng NBI.

Samantala, ilang senador din ang nais magsagawa ng hearing tungkol sa shooting incident sa Atimonan, Quezon.

Tiniyak ni Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na magsasagawa ng imbestigasyon ang kanyang komite sa pagbabalik ng sesyon.

Maging si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ay balak maghain ng reso­lusyon para paimbestigahan ang pagkamatay ng 13 katao.

Pero sinabi ni Honasan na hihintayin muna niya na makapagsumite ng  official report ang  PNP sa naturang insidente para may pagbasehan naman sila  sa gagawing  public hearing.

ATIMONAN

AYON

DANILO SUAREZ

GREGORIO HONASAN

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG AQUINO

QUEZON

QUEZON REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with