‘Bising’ naging LPA na lang
MANILA, Philippines - Tuluyan nang humina ang bagyong Bising at isa na lamang itong low pressure area (LPA) o namuÂmuong sama ng panahon.
Ayon kay PAGASA forecaster Jori Loiz, si Bising ay gumagalaw patungong hilaga at nakipagtagpo sa malamig na hangin mula naman sa hanging amihan.
“Dahil sa pagpasok ng malamig na hangin ma tapos maging bagyo may tendency itong humina, lalo na sa panahon tulad nito na kung saan mayroon tayong amihan,†sabi ni Loiz.
Alas-10 ng umaga kahapon ang LPA ay namataan may 820 km sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan na inaasahang magiging mahina o patuloy na gagalaw palabas na Philippine Area of Responsibility, pero patuloy nila itong minomonitor.
- Latest