^

Bansa

P2-M sa ulo ng killer ni Nicole

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinaas na ng Palasyo sa P2 milyon ang reward para sa sinumang makakapagturo sa killer ng batang si Stephanie Nicole Ella.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, umaasa ang Pangulo na dahil sa malaking pabuya ay mapapabilis ang paghuli sa salarin.

Naunang nagbigay ng P400,000 bounty sina Caloocan City Mayor Re­com Echiverri at Valenzuela Mayor Sherwin Gat­chalian para sa ikadarakip ng killer ni Nicole.

Inilibing kamakalawa ang 7-year old na si Nicole sa Norzagaray, Bu­lacan. Tinamaan ng stray bullet si Nicole noong Bagong Taon sa labas ng kanilang bahay sa Tala, Caloocan City.

Magugunita na na­nonood lamang ng mga fireworks ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng tamaan ito ng ligaw na bala sa ulo.

Batay sa pagsisiya­sat ng mga forensic expert ay nasa 50 metro ang layo mula kay Nicole ang hindi pa nakilalang nagpaputok ng baril.  

Ayon naman sa National Bureau of Investigation (NBI) ay mayroon silang eyewitness na magtuturo sa suspek na posibleng nakapatay kay Nicole.

May mga naunang di­nampot ang pulisya na nagpaputok ng baril sa bisinidad nina Nicole subalit pinalaya rin makaraang hindi tumugma ang ba­lang nakuha sa ulo ng bata.

 

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR RE

DEPUTY PRE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NICOLE

SHY

SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with