Gun ban exemption dinagsa
MANILA, Philippines - Mahigit 1,000 na ang humihingi ng exemption sa Commission on Elections (Comelec) kasabay ng nalalapit na pagpapatupad ng gun ban sa Enero 13.
Nabatid kay Commissioner Elias Yusoph, ang mga VIP na kukuha ng exemptions ay magbabayad ng P5,000 para sa processing fee habang ang mga security agency ay magbabayad ng P50 bawat guwardiya.
Pinaliwanag naman ni Yusoph na walang limitasÂyon sa pagkuha ng bilang ng mga alalay ang mga VIP ngunit kailangan aniya na pumili lamang sila ng dalawang security escort na maaaring magdala ng isang pistol at isang mahabang baril.
Samantala, hindi na kailangang kumuha ng gun ban exemption si Pangulong Aquino.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, bilang chief executive at commander in chief ng AFP at PNP, maaari itong makapagdala at makaÂgamit ng baril.
Sinabi pa ni Brillantes, kung ang police general ay exempted sa gun ban, lalo na ang presidente ng Pilipinas.
Dagdag pa ng poll chief, hindi mismo ang Pangulo ang humiling ng exemption sa dalawang baril nito kundi si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima.
Gayunman, naiintindihan ni Brillantes ang pagsumite ng request sa gun ban ng punong ehekutibo na nais lang maging ehemÂplo sa mga kababayan.
Una rito, kinumpirma ni Yusoph ang paghingi ng exemption sa baril ng PaÂngulo na pistol/glock caliber .40 at HPRFL/SIGSR caliber 666 o long firearm.
- Latest