^

Bansa

14,453 nabigyan ng trabaho sa Caloocan sa taong 2012

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umabot sa 14,453 residente ang nabigyan ng hanapbuhay ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga ginanap na mega job fair at pagbibigay ng assistance upang makakuha ang mga ito ng kanilang pagkakakitaan.

Sa bilang na ito, 7,415 ang mga lala­king nabigyan ng trabaho habang 7,038 naman ang babae sa mga ginanap na mega job fair at pagbibigay ng assistance ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) sa mga residenteng naghahanap ng trabaho.

Kabilang sa mga ginanap na mega job fair ay noong February 15 sa main city hall; February 22-north city hall; May 2-main city hall; May 9-north city hall; November 26-main city hall at November 28-north city hall.

Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan ng pagbibigay ng maa­yos na hanapbuhay sa mga residente ay mabilis na umangat ang kabuhayan ng mga ito na siya ring naging basehan upang uma­ngat ang ekonomiya ng lungsod dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga namumuhunan sa Caloocan City.

Nangako rin ang alkalde na magpa­patuloy ang kanyang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga residenteng nangangailangan ng trabaho nang sa gayon ay tuluyan nang mabawasan ang mahihirap na pamilya sa pinamamahalaan nitong lungsod.

 

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY

ECHIVERRI

HALL

KABILANG

LABOR AND INDUSTRIAL RELATIONS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with