Divorce bill sunod na
MANILA, Philippines - Matapos maisabatas ang Reproductive Health (RH) bill, umaasa ang ilan na sunod na mabibigyan ng atensiyon ang kontroÂbersiyal na House bill 1799 o divorce bill na nakabinbin ngayon sa Kamara.
Sa panukala, may limang basehan umano para sa diborsyo kabilang ang limang taon ng hindi nagsasama ang mag-asawa, dalawang taon ng legally separated, pambubugbog o paggamit ng droga at mentally incapacitated.
Sinabi naman ni DeÂputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala pang posisyon ang Malacañang sa usapin ng diborsiyo at nananatiÂling hindi napag-uusapan.
- Latest