^

Bansa

Binigyan ng P300,000 na award… 3 OFWs, napili sa “Presidential Salubong”

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong mamapalad na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tumanggap ng award at cash na halos umaabot  sa P300,000   matapos na mapili sa isinagawang  “Presidential Salubong” sa Ninoy Aquino International Airport nitong Disyembre.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang dalawa sa tatlong OFWs na napili ay sina Mary Grace Arcebuche, 40, isang single parent, ng Fairview, Quezon City, isang beautician at Romeo N. Ocampo, tubong Angeles City, Pampanga, chassis welder at pawang nagtatrabaho sa Qatar. Sila ay tumanggap ng cash at gift prizes  kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz  sa isinagawang seremonya kahapon sa DOLE sa ilalim ng programang “Pamaskong Handog sa OFWs 2012”.

Sinaksihan ng mga opisyales ng DOLE na sina  Labor Undersecretary Danilo P. Cruz, OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon, Deputy Administrator Josefino Torres, kanilang pamilya at kaibigan at mga kinatawan ng  institutional corporate partners ang nasabing awards handover.

Nauna nang tinanggap noong Disyembre 20 ni Virginia Tulagan Miranda, tubong San Carlos, Pangasinan, isang HSW sa Dubai, ang kanyang premyo mula mismo kay Pa­ngulong Aquino  pagdating nito sa Pilipinas.

ADMINISTRATOR CARMELITA S

ANGELES CITY

DEPUTY ADMINISTRATOR JOSEFINO TORRES

DISYEMBRE

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

LABOR UNDERSECRETARY DANILO P

MARY GRACE ARCEBUCHE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with